Our Executive Director, Dr. Severina M. Villegas, opened the GS Linggo ng Wika celebration with the following message:
Mga aming minamahal na magulang, guro, at mag-aaral, magandang umaga!!
Itong araw ay isang mahalagang pagkakataon na masulyapan natin ang kayamanan ng kasaysayan ng ating Bayang Pilipinas. Ang mga sayaw, awit at tula ng ating mag-aaral ay kagalakan para sa ating lahat. Madadanas ulit natin ang kahalagaan na maging bahagi ng pamilya ng ating mahal na Woodrose. [wpex more=”read more” less=”read less”]
Sa atin mga tahanan, tayo ay nagkukuwentohan, kumakanta, sumasayaw, para bigyan ng kasayahan ang ating mga magulang. Mga aming magulang, Ito rin ang inyong ginagawa para sa kasayahan ng inyong mga anak.
Itong buhay pamilya sa ating tahanan ay lilipat dito ngayong umaga. Ang Linggo ng Wika ay isang mahalaga na pagkakataon nating lahat na magbigayan ng kasayahan at galak sa isa’t Isa.
Abangan ang mga susunod na kabanata. Ngayong umaga ay may mga sorpresa na ating maalala sa mga darating na taon. Ating ibabahagi sa iba ang kasayahan na lagi naidulot ng Linggo ng Wika.
Aming mga minamahal na mag-aaral, patuloy nating mahalin ang ating sariling wikang Filipino. Ito ay pagmamahal rin sa ating mahal na bayan!!
Maraming Salamat.
[/wpex]
To cap the Grade School Linggo ng Wika celebration, the students had a field demonstration of Filipino dances. Dressed in very colorful Filipiniana costumes, Grades 1 to 6 students delighted their audience – parents, teachers, and fellow classmates – with folk dances that they had prepared for several weeks in advance. The crowd became ecstatic when the teachers also came up on stage for a surprise dance number.