GS Linggo ng Wika


Ipinagdiwang ng Grade School Department ang kanilang Linggo ng Wika at Kasaysayan noong Agosto 30 hanggang Setyembre 1, 2022. Iba’t ibang gawain ang inihanda upang pagyamanin ang kamalayan ng ating kulturang Pilipino:

Ipinakilala sa mga mag-aaral sa Unang Baitang si Apo Whang Od at ang Sining ng Pagbabatok (Indigenous Tatooing). Naglaro din ang mga bata ng Sipa at nagsuot ng makukulay na kasuotang Pilipino.

Sumayaw at kumanta naman ang mga mag-aaral sa Ikalawa at Ikatlong Baitang ng Sitsiritsit, Tong Tong Tong (Tagalog at Cebuano Version) at Leron, Leron Sinta.

Ipinakita ng mga mag-aaral sa Ika-anim na Baitang ang kanilang talento sa paggawa ng mga poster ng ating Mga Katutubong Kasuotan at Wika.