GS Buwan ng Wika at Kasaysayan 2025

 
Ang Sangay ng Elementarya ay nagdiwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan noong Setyembre 2-9, 2025. Ang tema ng pagdiriwang ay Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa at Diwa at Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan. Ang mga gawain ay nakatuon sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa ating wika, kultura, at kasaysayan.

Naging makulay ang selebrasyon mula sa unang araw hanggang sa huli. Ang parada ng mga mga natatanging kababaihan na ginampanan ng mga mag-aaral sa Baitang 1. Nagkaroon din ng mga palarong Pinoy, pagtatanghal ng Sayawit, Malikhaing Pagkukuwento, Sabayang Pagbigkas, at Dula. May mga magulang ding naimbitahang maging tagapagsalita, magkwento sa silid-aralan, kumanta at sumayaw sa palatuntunan. Pinatingkad din ang pagdiriwang ng pagtatanghal ng Banda Kawayan. May mga piling mag-aaral mula sa Woodrose ang nagbahagi ng kanilang talento sa pag-awit. Nasaksihan din ang sayaw ng mga guro. Nagkaroon din ng salo-salo sa loob ng silid-aralan para sa isang tradisyunal na pista ng bayan. Sari-saring pagkaing Pinoy ang masayang pinagsaluhan ng lahat.

Tunay na matagumpay at marami ang nasiyahan sa selebrasyon. Ito ay isang patunay na ang wikang Filipino ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon. Ito ay nagsilbing inspirasyon upang ipasa ang yaman ng ating kultura at kasaysayan sa mga kabataan at sa mga susunod pang henerasyon.