Here are the winning entries to the poster-making contest among SHS students during Buwan ng Wika 2020: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya. Nakasentro ang tema ng Buwan ng Wika 2020 sa halaga ng Filipino at mga katutubong wika sa bansa bílang mabisang sandata sa pakikidigma laban sa pandemya.
Unang Karangalan (First Place):
By Grade 12A
Ang mga mag-aaral kasama ng mga katutubo, mangagawang Pilipino, at mga frontliners ay humaharap sa mga maraming problemang dulot ng pandemya. Sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi pa natin nakakaharap ang isang kaaway na hindi namimili at nanghuhusga. Kailangan nating magkaisa gamit ang wikang Filipino, sa diwa ng Bayanihan, upang talunin natin ang COVID-19 at ang mga sakit sa lipuna na naibunyag nito.
Artists: Chin-chin & Cheska Racimo and Maia Racho
Ikalawang Karangalan (Second Place tie):
By Grade 11B
Gaya ng mga kababaihan na dating nananahi ng ating watawat, ngayon, sila ay nananahi ng ‘face mask’ para sa mga frontliners at mga pangkaraniwang Pilipino. Ang mga frontliners na nakikitang nakatayo sa likod ay tinaguriang mga bagong bayani na nagbubuwis ng kanilang kapakanan upang makatulong at makapagbigay serbisyo sa bayan. Upang magbigay respeto at parangal sa lahat ng ginagawa nila upang itigil ang pandemya para sa ating bayan, dinagdag namin ang “ang mamatay dahil sayo” sa iba’t ibang wika. At ang panghuling mensahe ng aming paskil ay para sa pilipinas, handang magsama-sama ang mga pilipino upang malutas ang covid.
Konsepto: 11B
Artist: Annika de la Fuente
Ikalawang Karangalan (Second Place):
By Grade 11C
Ang Bayanihan ay isang simbolo ng kultura ng pagkakaisa na matagal ng ginagamit sa Pilipinas. Ang mga taong nagdadala ng bahay na ito ay mga karaniwang miyembro ng pamayanan na nagsusuporta sa isa’t isa sa kabila ng banta ng covid (tulad ng nakikita sa papel). At ang sinag ng araw ay mula sa isang tanda ng pag-asa na mula sa pagkakaisa ng ating pamayanan.
Artists: Florence Leonida, Allaiza Reyes, Camille Duran, Charmaine Santos-Ocampo, Stan Katindoy, Cristina Claparols, Keona Cardeno, Tara Penson, Megan Sison, Ia Barrientos